Thursday, August 2, 2012

manyakis magnet

In my last post I told the story of my latest encounter with a stranger. Ang totoo hindi lang isa o dalawang beses nangyari saken yun. Marami akong hindi magandang karanasan sa mga strangers particularly sa lalake at kadalasan manyakis. Naisip ko lang i-share ang ilan para kung sino man ang makabasa maging aware din sila palagi sa paligid nila lalo na ang mga girls.

First year college. Nagaabang ako ng bus sa may Crossing sa Pasig. May lumapit sa aking lalake nagtanong ng oras sabi ko obvious ba wala akong relo. Tinanong nya kung saan ako nakatira, nakakapagduda kaya nagsabi ako ng maling lugar. Sabi nya ihahatid na nya daw ako at hinawakan ako sa kamay as in holding hands. Ang lakas ng loob ng manyakis na yun!Nauna pa syang naka-holding hands ko kesa sa naging first boyfriend ko. Marami namang ibang tao na nagaabang din. Tinanggal ko ang kamay nya sa pagkakahawak sa aken. Napatingin ang ilan sa nag-aabang. Sabi nya sya na raw magdadala ng bitbit kong paper bag. Sabi ko wag na. Hinawakan na naman ako sa kamay, mahigpit. Pilit kong tinatanggal, kinakabahan na ko. Gusto ko ng sumigaw ng Ding ang bato at humingi ng tulong. Naisip ko na lang na sumakay ng bus kasehodang ibang byahe ang nasakyan ko bababa na lang ako pag nakalayo na ko sa lugar kung nasaan yung manyakis na lalake. Buti na lang hindi sya sumunod.

Second year college. Dahil sa naranasan ko sa Crossing nag-iba ako ng madadaanan pauwi sa Cavite. Sa Manila kasi ako nag-aaral at umuuwi ako sa Cavite every weekend. Sa Lawton na ko sumasakay. Isang beses na pauwi ako. May lalakeng tumabi saken sa bus. 3rd from the last row ako nakaupo, sa tatluhan. Nasa tabi ako ng bintana, dikit na dikit saken yung lalake kahit na wala pa namang nakaupo sa kanan nya. Napansin ko na ikinikiskis nya ang kanyang braso sa braso ko kaya nilagay ko yung bag ko sa pagitan namen. Di nagtagal may umupo na rin sa kanan nya tatlo na kaming magkakatabi. Nakatingin ako sa labas ng bintana at paglingon ko nakita ko nakalabas ang naghuhumindig nyang ari. Shocks! hindi na virgin ang mata ko. Halatang saken lang nya gustong i-show ang kanyang mala-talong na sandata ika nga ni Ella Masahista, dahil itinakip nya sa kanan ang dala nyang bag na halatang walang laman kundi mga x-rated na pirated dvds kaya hindi nakikita ng katabi nyang lalake sa kanan. Hindi sa ganong paraan ko gustong makakita nun at hindi pa ko ready chos! Nung may mga bumaba ng nakaupo sa unahan lumipat na lang ako ng upuan.

Nagta-trabaho na ko. Sa Pasay ako pumapasok at sa Cavite umuuwi. Isang beses sa bus, lalake na naman ang nakatabi ko. Muka naman syang desente dahil naka-office attire. Napansin kong pilit nyang idinidikit ang kanyang siko sa dibdib ko. Imagine-in nyo na lang kung pano. To-the-rescue na naman si bag na kalong ko at pinaupo ko sa gitna namen nung lalake. Nakahalata siguro kaya nag-behave na sya. Nakatulog na ako. Nagising na lang ako ng maramdaman ko na may sikong dumidiin diin sa may gilid ng boobs ko sabay tumayo na yung lalake at bumaba. Leche naka-dalawa sya saken!

Sumakay ako ng bus papasok sa trabaho. Isa na lang ang bakanteng upuan, sa tabi ng lalakeng naka-office attire, mukang desente at gwapo. Hindi ka magiisip ng kung anong masama sa kanya dahil sa itsura pa lang nya mukang hindi gagawa ng masama. Medyo natuwa pa ako at kinilig ng slight dahil sa gwapo kong nakatabi. Hanggang sa nakatulog na naman ako. At bigla akong nagising dahil naramdaman kong may nakahawak sa boobs ko! Pag mulat ko wala na kong naabutang kamay sa boobs ko. Hindi agad ako naka-react dahil iniisip ko pa kung nananagnip ba ko oh ano. Tiningnan ko yung gwapong katabi ko deadma lang sya at hindi tumitingin saken, parang walang nangyari. Pero anak naman ng tokwa sya lang ang katabi ko sino pa bang hahawak sa boobs ko. Hindi ko na sya nagawang komprontahin dahil bukod sa iniisip ko pa rin kung nanaginip lang ba ako ay malapit na rin akong bumaba. Pagbaba ko tiningnan ko sya at tinitingnan din nya ko mula sa binabaan kong bus na halos mabali na ang leeg at kulang na lang ay ilabas ang dila sabay sasabihing "yummy". Noon ko naisip na hindi ako nanaginip.

Ilan lang to sa mga manyakis na na-encounter ko. Marami pang mga pa-simpleng kiskis at dikit ng braso sa katawan ang naranasan ko. Meron pang isang naglabas ng ari sa jeep at exclusive na namang ipinakikita sa aken. Mayroon pa akong isang nakatabi sa bus na kinukunan ako ng picture at video. May isa rin na nagkunwari pang kakilala ko at pilit nakikipagusap saken kahit na pinapahalata ko ng ayokong makipagusap. Lagi ko na lang sinasabi "i dont talk to stangers".

Lessons learned. Hindi lahat ng manyakis ay mukang manyakis kadalasan sila ay naka-office attire. Girls, trust your instinct, mas madalas na tama yan. At higit sa lahat iwasang matulog sa bus.

Question in my mind that is still left unanswered. Hindi naman malaki ang boobs ko pero bakit kaya trip na trip ng mga manyakis? Ayoko sanang isipin pero manyakis magnet nga kaya ako?

29 comments:

  1. Ay naku, ang dami talagang ganyan sa jeep at bus! Naku, asar na asar ako sa mga lalaking paulet ulet na may kinukuha sa bulsa na mukha namang walang laman para masiko ka.. At naka-encounter din ako ng exhibitionist sa jeep nun hiskul pa kami, actually lahat ata kami ng ELF nabiktima nun bwisit, nakakatrauma siya.. Yun sana sabihin ko sis e, wag ka kasi matulog sa sasakyan, haha! Taga-cavite ka pala?hahaha..

    ReplyDelete
  2. Nakakatawa yung pati si Ding iniinvolve mo sa eksena para lang sa bato hahahaha! ano kaya reaction ng manyak pag narinig ka? ingat ingat ka ...

    ReplyDelete
  3. @kulapitot ako na ang lapitin ng manyak!

    @joanne nakakabwisit talaga sila sis.. masa kasi ako eh..masandal tulog lols..uu may bahay kami sa cavite..

    @bart sigurado matatakot yun lalabas na si Darna eh!hehe...

    ReplyDelete
  4. hahaha kaw na :) kasi naman, yung anting anting mo wag mo munang isuot... kita mo, namamagnet tuloy sila sayo :) bawas-bawasan ang ganda baka uber na :) ingat ingat din :)

    ReplyDelete
  5. Binasa ko ulit. akala ko fiction, at iba't ibang uri ng manyak ang sinasabi. langya! hehe!

    Ngayon, iniisip ko kung lalaki lang ba ang manyak sa mundo.. haha! kung may babae, nasaan kaya?

    Anyway, mga dalaginding.. Ibayong ingat po tayo, at iwasang magtipid sa tela. Malay natin, kahit pari hindi makatiis kung labas ang mabalahibong legs at nagsusumigaw na boobs.

    ReplyDelete
  6. naalala ko tuloy nung kinuwento mo sakin nung second year tau... hehehe...

    next time sa babae ka nalang tumabi sis...

    ReplyDelete
  7. @jep wala naman akong taglay na ganda.. sex appeal lang ang baon ko lagi lols

    @amphie may babae ring manyak pero di ko sasabihin kung nasaan..

    @pretty hash lagi na kaya akong sa babae tumatabi kaso pag bumaba na yung babae natatabihan pa rin ako ng lalake eh..

    ReplyDelete
  8. hala ate nakaka-relate ako sa'yo... nasubukan ko din yan, masikip kasi sa jeep.. kala ko lang kung bag ko ung nasa dibdib ko may kamay pala! mamaya gumagalaw na, tinignan ko siya bigla niyang inalis.. huhuhu! badtrip.

    meron pa ung naglalakad ako, bigla ba naman ako kiniss ng nakasalubong ko sa chiks... eeeew! yakss!

    nakakainis! mga lalaking ganyan, as in! to da max badtrip po talaga. dapat sa kanila putulin ung talong nila, at mga kamay, pati mata tusukin para hindi makasilip.

    INGAT INGAT po tayo palagi ^_^

    ReplyDelete
  9. @jessica naku kainaman naman talaga yang mga yan sarap durugin ng eggs..ingat ka lagi bebe girl!

    ReplyDelete
  10. Oh my God naman i cannot imagine yung trauma mo kapatid!!!
    Mag ingat ka ha, ang dami tlgang katok sa mundo tayo nalang ang mag ingat ng todo.
    Thank you for visiting my blog, now following you, hope you too:))

    ReplyDelete
  11. grabe naman mga un! ako gusto ko magpamanyak kaso walang nangangahas. chos!

    ReplyDelete
  12. @sherene true! paranoid na nga ako minsan sa sobrang pag-iingat hehe...i already followed you :)

    @richie dikit ka saken para malipat sayo ang magnet lols!

    ReplyDelete
  13. Maganda ka kasi no, pero kahit na no. Mag respeto naman mgamanyakis na to. When iwas young, nood kami sine friend ko, lam mo katabi ko sa rigjt side nga masturbate ba naman. Napalabas tuloy kami ng dinihan ng friend ko kahit di pa tapos palabas, hays

    ReplyDelete
  14. @joy aw sayang ang bayad sa sinehan hehe..sarap tadyakan ng mga manyak na yan..meron din akong nakita na nagmamasturbate sa may gilid ng hagdan ng overpass...madilim pero maraming dumadaan..tigas ng muka!

    ReplyDelete
  15. Nakarelated din ako sis Naencounter ko din yun mga ganyan usually pag papasok aq sa school may makakatabi ako tpos kunwari antuk-antukan then sasandal sakin hahawak kung saan o kaya naman pag preno ng jeep o.a makadikit, minsan unang attack sinisiko ko para magising nung ayaw paawat sinigawan ko na tinginan lahat sakin hehe bigla tuloy akong nahiya.

    And the worst i saw din nagmamasturbate sa jeep (as in!)kasi dalawa na lang kami pasahero naiwan paglingon ko sa tabi ko andun nakatingin sakin nashocked talaga ako sabay baba na lang ako kahit malayo pa yun bababaan ko. badtrip! kadiri tanghaling tapat kaya yun.

    Tsk! Bakit nga kaya may mga ganung tao noh. Ingat ka lagi and be aware all the time! ^_^

    ReplyDelete
  16. @maria kulang pa ang sigaw lang sa mga manyakis na yan dapat jan kinakapon..hehe..ingat din lagi sis :)

    ReplyDelete
  17. The choosen one hahaha:) grabe na experience yan. ano po ba outfit nyo ma'am? matanong lang naman

    ReplyDelete
  18. @manong unyol outfit ko po school uniform at office uniform..wala naman pong kitang laman hehehe...

    ReplyDelete
  19. hahaha bakit kaya?.. magnet manyakis nga mas ok na po yung ganun na experience niyo para lagi ka ng alerto sa bawat labas mo:)

    ReplyDelete
  20. @manong unyol hehe paranoid na nga ako minsan eh..naiisip ko lahat ng lalake manyakis haha chos lang..

    ReplyDelete
  21. Hay paranoid din ako dati, may mga experience din kasi akong ganito :(

    ReplyDelete
  22. again, hind ikaw ang manyak magnet kundi ang iyong mga b**bs...

    next byahe para maka-iwas, laging magdala ng jacket...

    ReplyDelete
  23. Ngayon ko lang talaga to nabasa and out of all back posts eto pa talaga ang naclick ko, lol. Marami talagang manyakis in public transportation. Ako thrice ko na naranasan, the last time umalma talaga ako at pinahiya si manong manyak sa ibang pasahero.

    ReplyDelete
  24. I admit manyAkis din ako but merun ibng girls n gusto rin

    ReplyDelete
  25. Madami manyak tama un pro in some insident base on my exp babae dn nagbbgay ng motibo pra maharass...

    ReplyDelete
  26. Madami manyak tama un pro in some insident base on my exp babae dn nagbbgay ng motibo pra maharass...

    ReplyDelete
  27. Madami manyak tama un pro in some insident base on my exp babae dn nagbbgay ng motibo pra maharass...

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...