Tuesday, October 9, 2012

mahal...ang...bacon part 3

"May girlfriend ka ba Mikko?" Alam kong natanong na ni Albert to pero alam kong gusto nya lang na marinig ko mismo kay Mikko ang sagot.
"Wala" ang tipid ng sagot.
"Bakit wala? Dapat meron para may katulong ka na sa pag-aasikaso ng negosyo." Ngumiti lang sya.
"Gusto mo na bang magka- girlfriend? May ipapakilala ako sayo. Maganda, mabait at negosyante din. Kaya lang taga-Manila." Hindi ako nag-rereact pero alam kong ako ang tinutukoy ni Albert, hindi ako nag-assume this time. Ngiti na naman ang sagot nya.

Anu ba naman, wala ba talaga akong maririnig sayo? Kahit man lang itanong mo kung sino yung tinutukoy ni Albert. Sige na nga, ok na yung ngiti mo, alam ko namang alam mo na ako ang tinutukoy ni Albert eh. Ayan nag-assume na naman ako.

Magkatabi kami ng upuan. Ang lapit nya saken. Yung tipong pag lumingon ako at lumingon din sya maglalapat na ang mga labi namen. Syempre eksaherada lang hindi pa maglalapat, magkakatitigan lang muna. Pero kahit na magkalapit kami at ang mga kausap namen eh sinadya atang iurong ang mga upuan para makalayo ng konti at mabigyan kami ng privacy eh grupo pa rin ang kwentuhang nangyari. Kainis hindi man lang ako sya nakadiskarte.

Nang mabusog kami sa dalawang bucket ng beer we decided to go home na. Pagod na rin kami at naubos ang energy sa rafting. Pero hindi kami dumerecho ng uwi. On the way kasi naisip nyang dalhin muna kami sa beach medyo malapit lang naman. Nabitin ata sya sa dalawang bucket ng beer kaya habang nakatambay kami sa beach eh lumalaklak pa rin sila.

Lumalaklak ang mga boys at nagkkwentuhan naman kami ni Liza habang nakatingin sa mga stars. Biglang may bumagsak na falling star (bumagsak na falling pa redundant much). Ang bilis hindi na naman ako nakapag-wish. Namiss ko tuloy nung highschool pa ko. Sa Batangas, halos every other night nasa beach kami at madalas din akong makakita ng falling star. Anyway that's another story. We stayed there for about 30 minutes. Nag-aya na rin agad kami kasi di na talaga kaya ng powers ko pumipikit na ng kusa ang malalaki kong mga mata.

Almost midnight ng makarating kami sa bahay nila. Ipinagbukas nya ko ng pinto ng sasakyan and offered his hand to me para alalayan akong bumaba. "Kaya mo?" Bababa lang sasakyan hindi ko pa kakayanin eh mani nga lang saken ang rafting. Lasing na ata at naging gentleman na. Oo na, kinilig na ko ng konti dun, konti lang. Pero dahil pakipot ako I didnt grab his hand. "Kayang kaya." Sabay sumabit yung paa ko sa upuan ng sasakyan at muntik akong masubsob. Oh shet pahiya ako dun ah. Nakita kong aktong sasaluhin nya ko pero napakapit na ko sa upuan. Naunahan sya ng upuan ang bagal nya kasi.

May mga echoserong dogs nga pala sila na tahol ng tahol pagpasok namen ng gate. Although nakatali eh napakandirit pa rin ako papunta sa pinto ng house. Nauna kaming dalawa sa pinto. Naiwan yung iba sa gate. Ayan na naman, we're close to each other again. Yung tipong maamoy ko na ang hininga nya kapag nagkaharap kami, ganon ka-close at hindi yun eksaherada ah. Tahol pa rin ng tahol ang mga echoserong dogs. Gusto ko na tuloy sumiksik sa malaki at malaman nyang dibdib. Konting tahol pa ng mga echoserong dogs at magta-tarsier jump na sana ako sa kanya kaya lang bumukas na ang pinto.


To be continued...

52 comments:

  1. Until next time again:)kilig to the bones na ang mga readers. hi hi

    ReplyDelete
  2. ang landi landi .. ang harot harot .. day di ka bet nung mga aso nila para sa knya .. jajajjaaj

    ReplyDelete
    Replies
    1. di ko rin naman bet yung mga aso nila noh! haha bitterness...

      Delete
  3. Di kita kokontrahin dyan ms. Pink support na lang kita G-O.... GO! nyahahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. buti naman kung ganon...good boy este girl este boy..ay ewan haha!

      Delete
  4. huwaw! malapit na ba magkaron ng "Mr. Pink line"? hehe.

    ReplyDelete
  5. hontoroy ni ate! go lang teh. karir na yan!

    ReplyDelete
  6. anu ba yan! bitin! wag na kasi pakipot! baka maunahan kapa ng iba! hahaha. peace!!!

    ReplyDelete
  7. Ang saya ng lablyp mo Ms. Pink. Natutuwa ako sa pagkukwento mo. Kala ko matutupad na yung make love on the beach :) Yung mga aso kala ko rin nag memake love. lol :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. diba nga sabay naten gagawen yung make love sa beach magkabilang dulo tau hahaha...

      Delete
  8. buti hindi umalolong mga aso :) hehehe napapangiti ako habang nagbabasa ako kc parang komedy ang eksena kc parang napanood ko na to :)

    ReplyDelete
  9. Arline, tinawagan ako ng abscbn, bibilin daw nila ang rights ng story mo. Martha Cecilia - Ang Mahal ng Bacon - bongga no!

    Sa eksenang "Yung tipong pag lumingon ako at lumingon din sya maglalapat na ang mga labi namen" pag may ganyan dapat naka belat ka, para pag nagharap, bonggang kiss na ito hahaha :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. teka baket ikaw ang tinawagan hindi ako?...kaw ba manager ko?hahaha...

      kiss na labas dila..baka magalit lalo yung mga aso..

      Delete
  10. grabe... ang landi... haha! ;) ok yan... sa mga ganyan nakakapamingwit ng boys... haha! isda? alangan naman girls lang lagi ang isda di ba? :p

    cant wait for the next chapter... :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu nga unfair kung tau lang lagi ang bibingwitin dapat pwede rin tau mamingwit..anu daw? hahaha...

      Delete
  11. hahaha sabi ko na eh kung nakakakilig yun part 2 mas grabe kilig to the max ang part 3.. sis naman bitin ulit why oh why.

    kaabang-abang.^___^

    ReplyDelete
    Replies
    1. churi naman sis..tyaga tyaga lang..nahihirapan na nga akong alalahanin ang mga pangyayari eh..hehehe

      Delete
  12. ang dami ng eksenang "close" kelan ba ang "closer" and "closest"?
    naiinis na ako sayo! tapusin mo na to! ha ha ha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hanggang close lang po yan walang closer at closest na mangyayari hahaha

      Delete
  13. Nai magine ko na kung gaano ka kakilig!hihihi! Pwedeng isa pelikula magugustuhan ng mga in love at gusto ma in love!

    ReplyDelete
    Replies
    1. halata ba talagang kinikilig ako? haha

      Delete
  14. ka ang dog na takot sa kapwa dogs,.. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. "kaw" pala.. ano ba yan sablay parin..hehehe

      Delete
    2. nu kaba sis kunwari lang yun takot ako..para makapag-tarsier jump naman wahahaha...

      Delete
  15. Nag-offer na nga ng alalay, tinanggihan pa, ayan kuntikan na (joke)
    Ok lang iyon, hehe.. sige until next time : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha..uu nga eh..umarte pa kasi ako...

      Delete
  16. Ilang part ba to at nang hihintayin ko na lang para isang basa na lang? Parang teleserye but at least walang commercial.

    *sigh. Bitin na naman!?

    ReplyDelete
  17. Ano ba to lagi na lang bitin hahaha... Bakit naging series na itong lablayp mo. Tsaka asan na yung picture nya!

    ReplyDelete
    Replies
    1. pangarap ko kasing makapagsulat ng pocketbook eh..hehehe..sa last part pa yung pic..

      Delete
  18. "Yung tipong pag lumingon ako at lumingon din sya maglalapat na ang mga labi namen."

    Ang lande! Nyahahaha. Jowk. Para akong nagbabasa ng tagalog pocketbook. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. kelangan lumande para magkalovelife jowk hehe

      Delete
  19. Ikaw na ang lumalaglayp! hanep. at ano itong nabasa kong gusto mong maexperience ang sex on the beach?! naku. mahirap yun... sabi nila! hehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. make love on the beach hindi sex on the beach magkaiba yun noh! hmmmmmm itatanong ko pa sana kung na-try mo na eh..hahaha...

      Delete
  20. BITIN, hihi..
    bakit ako kinikilig?? HAHA! ayeeeee!

    ReplyDelete
    Replies
    1. baka naiihi ka bebe sis kaya ka kinikilig hahaha...

      Delete
    2. hahaha! hindi eh... talagang kilig to the bones! nyahaha

      Delete
  21. Hay nakakakilig, naalala ko tuloy nung first time we met ni hubby at mga sumunod na eksena nakakakilig.
    Pwede bang mas habaan mo nmn ang pangyayari at ng hindi kmi nabibitin hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. natuwa naman ako sis at naalala mo sa kwento ko si hubby mo.. i'll try my best para habaan ang post ko hehe...

      Delete
  22. weeeeeeeh, bakit bitin pow? ang ganda pa naman kaso bitin. grabe ang nito kinilig ako, para akong sira dito sa kwarto ko tawa ako ng tawa sa sobrang kilig.

    sabik na ako sa susunod na mangyayari, heheheheheh. parang precious heart romances pocketbook :)

    C0TT0N-L0VE.BLOGSPOT.COM

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sa pagbasa..pasensya na sa pambibitin hehehe...

      Delete
  23. Bakit na-lost ang comment ko dito?? Hmm.. binura mo no? hahaha..

    ReplyDelete
    Replies
    1. wala ka pang comment dito sis..ang busy mo kasi noh!

      Delete
  24. ang mga echoserong dogs kase, dapat tumahol pa ng mas malakas para natuloy na ang...talon mo. ;) bitin!!! next page naman, baka di na bitin. :)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...